Featured Post

Christ Transform Life (Buhay na nabago dahil kay Kristo)

Kung hindi mo pa nakikilala si Kristo. Ay mayroong malaking bagay na nawawala o kulang sa buhay mo. Ito na ang panahon, ang tamang panahon p...

Pagbabalik ng ating unang Pag ibig sa Diyos

Pagbabalik ng ating unang Pag ibig sa Diyos
Dumarating sa buhay ng Kristyano ang mga kahinaan at kapaguran kaabalahan at kawalan ng oras sa Diyos.

Christ Transform Life (Buhay na nabago dahil kay Kristo)

Kung hindi mo pa nakikilala si Kristo. Ay mayroong malaking bagay na nawawala o kulang sa buhay mo. Ito na ang panahon, ang tamang panahon para Siya ay makilala mo!

Ang sabi sa Juan 3:16
"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."

Nais ng Diyos na malaman mo na ikaw ay lubos Niyang minamahal. At walang ibang paraan para ipakita yun kundi ang ibigay ang Kanyang buhay para sayo. Oo, niligtas ka niya sa kapahamakan na hindi mo nalalaman. Pagdating ng takdang panahon, tayo ay mamamatay, ikaw, ako, ang pamilya mo, ang mga taong kilala at di mo nakikilala. Lahat tayo ay hahatulan ayon sa ating mga nagawa, at pag dating ng panahon na iyon na hindi natin tinanggap si Kristo bilang ating Panginoon at Tagapagligtas, at hindi natin napagsisihan lahat ng ating nagawang kasalanan ay mapapahamak tayo at paparusahan.

Walang tao o kaibigan ang handang ialay ang sariling buhay para sa iba. Tanging ang Diyos lamang ang nagpakita sa atin ng lubos na pag ibig. At wala tayong maaring idahilan kung bakit hindi natin ito dapat tanggapin.  Sa kabila ng ating mga kasalanan, at kawalang halaga sa Kanyang pagmamahal ay minahal Niya parin tayo. Sa kabila ng pagtalikod ng sangkatauhan sa Diyos ay pinili Niya parin na iligtas tayo.

Sa anong dahilan para tanggihan natin ito?

Maaaring sinasabi mo na, hindi ka karapat dapat. Ganun din ako, at ganun din ang ibang tao. Halos lahat ng tao ay hindi karapat dapat sa Kanyang pag ibig.

Ngunit, tandaan natin na mawawalang kabuluhan ang Kanyang kamatayan para sayo kung hindi mo ito tatanggapin at panghahahawakan. Marami sa atin ang ayaw tumanggap, ngunit huwag mong hayaan na palampasin ang ganitong sitwasyon at pagkakataon ng iyong buhay. Dahil ito na ang pagkakataon na ibinibigay sa iyo,pagkatapos nito ay kamatayan at walang hanggang kaparusahan.

Roma 6:23
"Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon."

Maaaring sabihin mo na mabuti naman ako at wala akong kasalanan o mabigat na kasalanan na nagawa para parusahan. Ngunit mariing sinasabi sa Biblia na walang ibang daan patungo sa Ama kundi sa pamamagitan lamang ni Jesus. At hindi rin dahil sa ating mga mabubuting gawa kaya tayo ay naligtas. Kundi sa kaloob lamang na mula kay Kristo: ang Kanyang kamatayan sa Krus. Kaya hindi natin maaaring ipagmalaki ang ating sariling kakayanan o buhay. Tanging si Jesus lamang ang paraan, at huwag nating sabihin na maaari nating iligtas ang ating sarili sa pamamagitan ng sariling lakas.

Juan 14:6 "Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko."

Roma 3:23 "Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos”

Efeso 2:8-9 "Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman."

Ngayon, malinaw sa atin na walang anumang paraan, hindi sinabi na relihiyon, hindi rin sinabi na mabuting gawa, bagkus ito ay si Kristo lamang.

Paano natin tatanggapin si Kristo? At paano natin matatamo ang kaligtasan.

Marcus 1:4 "Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong kasalanan, at pabautismo kayo, upang kayo'y patawarin ng Diyos."

Juan 1:12 "Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos."

Roma 10:9-10 “Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.”

Una, kailangan mong pagsisihan at talikdan ang mga kasalanang nagawa, ang buong pagtalikod ay nangangahulugan na hindi mo na ito gagawin pang muli. Pangalawa ay buong pusong tanggapin at samapalatayan na si Jesus ay Panginoon, Hari at Tagapagligtas, namatay at muling nabuhay upang iligtas ka sa iyong mga kasalanan. Pangatlo ay pag alay ng iyong buhay para sa Kanya at sa Kanyang kalooban lamang.

Kung gusto mo na tanggapin at pagtiwalaan si Kristo bilang sariling tagapagligtas, maaari mong ipahayag ang iyong pananampalataya kay Kristo sa pamamagitan ng maikling panalanging ito na umaaamin ng iyong mga nagawang kasalanan, pagtalikod at pagtanggap kay Kristo bilang iyong Panginoon, Hari at Tagapagligtas ng iyong buhay.

Panalangin ng pagtanggap:

PANGINOON DIYOS, Inaamin kong ako'y makasalanan at kailangan ko po ang inyong pagpapatawad sa aking mga nagawang kasalanan. Ako po ay buong puso na nagsisisi sa lahat ng ito, mula ng ako'y isilang hanggang sa ngayon.
Naniniwala ako na si CRISTO'Y namatay para sa akin, bilang kabayaran sa aking kasalanan. Nakahanda po akong tumalikod sa aking dating pamumuhay at pagkatao. Inaanyayahan po kita PANGINOONG JESUS, na pumasok sa aking puso at buhay, bilang sariling tagapagligtas, Panginoon at Hari.
Nakahanda po ako, sa tulong po Ninyo, na sumunod sayong kalooban sa aking buhay. Ikaw nawa ang maghari sa aking buhay mula sa oras na ito. Maraming salamat po sa bagong buhay na ito. Sa pangalan ng PANGINOONG JESUCRISTO. Amen.

Simula sa araw na ito ay hindi na ikaw ang dati, ikaw ay nabago na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo.

2 Corinto 5:17 "Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago."

KUNG ikaw ay buong pusong tumanggap at nanalig ay nakamit mo ang kaligtasan na mula kay Kristo, pang hawakan mo ito at huwag bitawan kahit anong pagsubok ang dumaan sa iyong buhay, habang hinihintay natin ang Kanyang pagbalik para sa atin. Kailangan mong lumago sa iyong pananampalataya at ang mga aralin na nandito ay maaari mong basahin upang mas makilala si Kristo. Araw araw mong saliksikin ang Biblia, manalangin at humingi ng tulong sa Banal na Espiritu na ikaw ay patataganin at palakihin ang iyong pananampalataya sa Kanya.

Bilang isa ng bagong nilalang at mananampalataya ni Kristo ay marapat lamang din na ipaalam natin sa iba ang pananampalataya at kaligtasang ating natanggap. Pagpalain ka nawa ni Kristo sa iyong bagong buhay na natanggap!