Roma 6:23 "Sapagkat
ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Dios ay
buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating
Panginoon."
Maaaring sabihin mo na mabuti naman ako at wala akong kasalanan o mabigat na kasalanan na nagawa para parusahan. Ngunit mariing sinasabi sa Biblia na walang ibang daan patungo sa Ama kundi sa pamamagitan lamang ni Jesus. At hindi rin dahil sa ating mga mabubuting gawa kaya tayo ay naligtas. Kundi sa kaloob lamang na mula kay Kristo: ang Kanyang kamatayan sa Krus. Kaya hindi natin maaaring ipagmalaki ang ating sariling kakayanan o buhay. Tanging si Jesus lamang ang paraan, at huwag nating sabihin na maaari nating iligtas ang ating sarili sa pamamagitan ng sariling lakas.
Juan 14:6 "Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko."
Roma 3:23 "Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos”
Efeso 2:8-9 "Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas
sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng
Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng
inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman."
Ngayon, malinaw sa atin na walang anumang paraan, hindi sinabi na relihiyon, hindi rin sinabi na mabuting gawa, bagkus ito ay si Kristo lamang.
Paano natin tatanggapin si Kristo? At paano natin matatamo ang kaligtasan.
Marcus 1:4 "Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong kasalanan, at
pabautismo kayo, upang kayo'y patawarin ng Diyos."
Juan 1:12 "Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos."
Roma 10:9-10 “Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at
sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga
patay ay maliligtas ka: Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa
ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa
ikaliligtas.”
Una, kailangan mong pagsisihan at talikdan ang mga kasalanang nagawa, ang buong pagtalikod ay nangangahulugan na hindi mo na ito gagawin pang muli. Pangalawa ay buong pusong tanggapin at samapalatayan na si Jesus ay Panginoon, Hari at Tagapagligtas, namatay at muling nabuhay upang iligtas ka sa iyong mga kasalanan. Pangatlo ay pag alay ng iyong buhay para sa Kanya at sa Kanyang kalooban lamang.
Kung gusto mo na tanggapin at pagtiwalaan si Kristo bilang sariling
tagapagligtas, maaari mong ipahayag ang iyong pananampalataya kay Kristo
sa pamamagitan ng maikling panalanging ito na umaaamin ng iyong mga nagawang kasalanan, pagtalikod at pagtanggap kay Kristo bilang iyong Panginoon, Hari at Tagapagligtas ng iyong buhay.
Panalangin ng pagtanggap:
PANGINOON DIYOS, Inaamin kong ako'y makasalanan at kailangan ko po ang inyong pagpapatawad sa aking mga nagawang kasalanan. Ako po ay buong puso na nagsisisi sa lahat ng ito, mula ng ako'y isilang hanggang sa ngayon.
Naniniwala ako na si CRISTO'Y namatay para sa akin, bilang kabayaran sa
aking kasalanan. Nakahanda po akong tumalikod sa aking dating pamumuhay at pagkatao. Inaanyayahan po kita PANGINOONG JESUS, na pumasok sa aking puso at
buhay, bilang sariling tagapagligtas, Panginoon at Hari.
Nakahanda po ako, sa tulong po
Ninyo, na sumunod sayong kalooban sa aking buhay. Ikaw nawa ang maghari sa aking buhay mula sa oras na ito. Maraming salamat po sa bagong buhay na ito. Sa
pangalan ng PANGINOONG JESUCRISTO. Amen.
Simula sa araw na ito ay hindi na ikaw ang dati, ikaw ay nabago na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo.
2 Corinto 5:17 "Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong
nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang
naging mga bago."
KUNG ikaw ay buong pusong tumanggap at nanalig ay nakamit mo ang kaligtasan na mula kay Kristo, pang hawakan mo ito at huwag bitawan kahit anong pagsubok ang dumaan sa iyong buhay, habang hinihintay natin ang Kanyang pagbalik para sa atin. Kailangan mong lumago sa iyong pananampalataya at ang mga aralin na nandito ay maaari mong basahin upang mas makilala si Kristo. Araw araw mong saliksikin ang Biblia, manalangin at humingi ng tulong sa Banal na Espiritu na ikaw ay patataganin at palakihin ang iyong pananampalataya sa Kanya.
Bilang isa ng bagong nilalang at mananampalataya ni Kristo ay marapat lamang din na ipaalam natin sa iba ang pananampalataya at kaligtasang ating natanggap. Pagpalain ka nawa ni Kristo sa iyong bagong buhay na natanggap!
Juan 14:6 "Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko."
Roma 3:23 "Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos”
Marcus 1:4 "Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong kasalanan, at pabautismo kayo, upang kayo'y patawarin ng Diyos."
Juan 1:12 "Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos."
Roma 10:9-10 “Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.”
Panalangin ng pagtanggap:
PANGINOON DIYOS, Inaamin kong ako'y makasalanan at kailangan ko po ang inyong pagpapatawad sa aking mga nagawang kasalanan. Ako po ay buong puso na nagsisisi sa lahat ng ito, mula ng ako'y isilang hanggang sa ngayon.
Naniniwala ako na si CRISTO'Y namatay para sa akin, bilang kabayaran sa
aking kasalanan. Nakahanda po akong tumalikod sa aking dating pamumuhay at pagkatao. Inaanyayahan po kita PANGINOONG JESUS, na pumasok sa aking puso at
buhay, bilang sariling tagapagligtas, Panginoon at Hari.
Nakahanda po ako, sa tulong po
Ninyo, na sumunod sayong kalooban sa aking buhay. Ikaw nawa ang maghari sa aking buhay mula sa oras na ito. Maraming salamat po sa bagong buhay na ito. Sa
pangalan ng PANGINOONG JESUCRISTO. Amen.
Simula sa araw na ito ay hindi na ikaw ang dati, ikaw ay nabago na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo.
2 Corinto 5:17 "Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago."
KUNG ikaw ay buong pusong tumanggap at nanalig ay nakamit mo ang kaligtasan na mula kay Kristo, pang hawakan mo ito at huwag bitawan kahit anong pagsubok ang dumaan sa iyong buhay, habang hinihintay natin ang Kanyang pagbalik para sa atin. Kailangan mong lumago sa iyong pananampalataya at ang mga aralin na nandito ay maaari mong basahin upang mas makilala si Kristo. Araw araw mong saliksikin ang Biblia, manalangin at humingi ng tulong sa Banal na Espiritu na ikaw ay patataganin at palakihin ang iyong pananampalataya sa Kanya.
Bilang isa ng bagong nilalang at mananampalataya ni Kristo ay marapat lamang din na ipaalam natin sa iba ang pananampalataya at kaligtasang ating natanggap. Pagpalain ka nawa ni Kristo sa iyong bagong buhay na natanggap!
No comments:
Post a Comment